Ramdam na natin ang malamig na simoy ng hangin. Ramdam n’yo na ba ang ‘pag-iinit ng inyong katawan? Sinasabing maraming may birthday ng September. Bakit, ika nyo? Madami raw kasing nabubuntis sa buwan ng Disyembre. Kaya maraÂming ipinanganak ng September. Dahil nga malamig ang panahon kapag Disyembre, masarap magbabad sa kama sa ilalim ng kumot, matulog o manuod ng TV. Base sa mga surveys, madaming nagse-sex sa panahon ng Pasko lalo pa’t maraming Holiday sa mga panahong ito. Ayon pa sa hiwalay na survey, mas mababa ang sex drive kapag mainit. Isang dahilan bakit nakakasira ng sex mood ang mainit na panahon ay dahil sa pawis. Nakaka-turn-off kasi ang maamoy na pawis sa mainit na panahon kaya marami ang umiiwas sa sex kapag summer. Mas madami ang nagse-sex kapag malamig dahil tumataas ang sex drive sa mga panahong ito. Ito ay dahil kapag umuulan, nagiging mapayapa ang kapaligiran, malamig at walang magawa kaya sex ang pinagbabalingan. Kapag malamig, masarap kasi na katabi mo ang ‘iyong mahal’ na nagbibigay ng mainit na pakiramdam.
Ang malamig na panahon at kaunting araw ay nagpapataas ng produksiyon at secretion ng melanocyte na isang stimulating hormone na iniuugnay sa pagtaas ng sex drive ng mga babae. Ito ang dahilan kung bakit ‘mainit’ ang mga babae kapag tag-ulan. Ang serotonin, isang feel-good neurotransmitter na nililikha ng brain, ay posibleng responsable sa pagtaas ng mood at sex drive sa tag-ulan. Mas happy din ang mga tao kapag malamig kaya mas madalas ang ‘lambingan’ sa mga panahong ito. May mga sumagot din sa survey na may nakakapag-orgasm kapag giniginaw kaysa sa naiinitan.