Bakit ka tini-tagihawat? (2)
Ayon sa mga Dermatologists (spesyaÂlista sa balat) tinataÂyang nasa three-quarters ng edad 11 hanggang 30 ay nagkakaroon ng acne. Maaaring maapektuhan ng tagihawat ang anumang lahi o edad. Karaniwang nagkakaroon ng tagihawat ang mga kabataan at mga nagbibinata at nagdadalaga. Bagamat maaaring maapektuhan nito ang babae at lalaki dahil sa testosterone na marami sa mga kabataang lalaki.
Anu-ano ang sanhi ng tagihawat?
Walang nakakaalam sa eksaktong sanhin ng tigyawat. Ang mga eksperto ay naniniwala na ang dahilan ng tagihawat ay ang pagtaas ng level ng androgen. Isa itong klase ng hormone. Ang pagtaas ng level androgen ay nakapagpapalaki ng oil glands na nasa ilalim ng ating balat: ang paglaki ng gland ay nakakapagdulot ng mas maraming oil. Ang sobrang dami ng sebum ay nakakasira ng cellular walls sa ating pores na maaaring magdulot ng pagdami ng baktirya. Ang androgen level ay tumataas kapag ang isang tao ay naging ganap na adolescent na. May ilang pag-aaral na nagsasabing ang isang sanhi ng tagihawat ay maaring namamana o genetically inherited.
10 gabay upang maiwasan ang tagihawat
1. Panatilihing malinis ang ating mukha. Kahit na tayo ay meron o walang tagihawat, importanteng maghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw upang maalis ang dumi, dead skin, at sobrang dami ng langis sa ating mukha. Ang paghihilamos ng higit sa dalawang beses o mahigit pa ay hindi nakakatulong at maaaring magpalala pa ng problema sa ating mukha. Gumamit ng maligamgam na tubig at mild facial cleanser sa paghihilamos ng ating mukha.
- Latest