IBINALITA agad ni Mark sa mga magulang ni Arlene ang tungkol sa ulan. “Maniwala kayo, Mang Baste, napapalantad ni Arlene ang mga corrupt na nagnakaw sa bayan!â€
“B-bigla ba ‘ka mong umulan at iyon ang palatandaang hiniling mo sa aking anak, Mark?â€
“Opo, Aling Inday. Kinumpirma ni Arlene na totoo ang aking hinala—na siya ang nagtulak sa tatlong akusado na magpakamatay!â€
Kinilabutan ang ina ni Arlene. “Diyusko…â€
“Ikinararangal ko ang aking anak, Mark. Hanggang sa kabilang buhay—gumagawa siya ng paraan para mabawasan ang mga linta…†Kita ang approval ni Mang Baste.
Nalilito si Mark. Hindi malaman kung matutuwa o maliligalig sa estado ni Arlene.
Definitely wala sa langit ang kanyang nobya—nasa lupa pa ito.
Na ibig sabihi’y apektado pa ng mga problema ng tao; wala sa maluÂwalhating paraiso ng Diyos.
“Mang Baste, di po ba dapat ay ang mga buhay ang humahatol sa mga mandarambong? S-Si Arlene po ay…patay na…â€
“Oo nga, Baste…dapat ay payapa na ang kaluluwa ng anak natin…â€
“Sinusulit lang ni Arlene ang nalalabi pa niyang araw sa mundo—bago makunsumo ang apatnapung araw,†diin ni Mang Baste. “Hero ang anak ko, nakatutulong sa bayan.â€
Napapailing sina Mark at Aling Inday; mas gusto nilang nananahimik na sa sinapupunan ng Diyos si Arlene.
ANG mga corrupt politicians ay naliligalig. Meron bang masamang haÂngin na umeepekto sa kanilang katauhan? Na nagtulak sa tatlong akusadong public officials na mag-suicide?
Nasa kapihan ang magkakakulay na pulitiko, na pawang inaakusahang nangurakot habang nanunungkulan sa gobyerno.
Hindi nila inaamin sa isa’t isa na sila nga ay mga corrupt. Nababagabag lang naman sila sa mga pangyayari.
“Biruin n’yo, mga panyero, sinuwag ni Mayor Takyo ‘yung pader ng session hall! Parang toro!â€
“Bale ba ay tulad din ng naunang dalawa—umamin muna sa kasalanan sa bayan!â€
“Mamatay na ang umamin, deny-to-death dapat!†ITUTULOY