Paano at kanino mo nga ba maihahalintulad ang iyong mister/bf? Narito ang mga listahan ng mga maituturing na “prince charming†sa ilang mga kuwentong pambata.
Prince Naveen – Ang prinsipeng ito ay mula sa kuwento ng “The Princess and The Frogâ€. Kung ang mister/bf mo ay mahilig mag-bar o mamasyal at kung siya ay nagtatrabaho at sumusuweldo ng minimum pero gumagasta naman ng P20,000 sa kanyang paglabas, presto! Isang Prince Naveen ang nakuha mo. Kaya dapat mo siyang turuan na maging responsible dahil kung hindi, darating ang oras na pagsisisihan mong siya ang naging partner mo.
Flynn Rider – Kagaya ni Prince Naveen, maituturing na “easy-go-lucky†ang lalaking ito. Pero, masaya naman siyang kausap. Ang ganitong uri ng ugali ay maituturing na “Narcissist†dahil sa pagiging “self-centered†niya at pagiging mayabangâ€. May pagkabastos din ang ganitong uri ng lalaki dahil nga sa kanyang ugaling pagiging “careless†din.
Beast – Ang lalaking ito naman ay mula sa “The Beauty & The Beastâ€, kung saan maituturing na “Kill Joy†o KJ ang ganitong uri ng kasama sa buhay. Palaging napagkakamalang mayabang at ilag siya sa ibang tao. Antisocial din o walang hilig makipaghalubilo ang taong ito. Maikli lang din ang kanyang pasensiya kaya hindi maaaring umarte ng husto sa kanya ang kanyang partner. Kaya lang sa kabila nito, maipagmamalaki mo naman siya sa kanyang katalinuhan.
Prince Charming – Ang lalaking ito ay mula naman sa kuwento ni “Cinderellaâ€. Ang mister/bf mo ba ay maituturing na “one-woman-man?†, Kung ganito siya, napakasuwerte mong babae. Dahil bibihira sa mga tulad nila ang nagpapaiyak sa lahi ni Eva.
Ngayon, alam mo na rin kung paano ka makikipag-deal sa iyong prinsipe?