May iba pala siya

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Katryn. May  bf po ako. Crush ng bayan ang tawag sa kanya dahil guwapo. Akala ko’y ako lamang ang girl sa buhay niya. Nagkamali ako dahil sa kanilang neighborhood sa Makati ay mayroon pala siyang childhood sweetheart. Nalaman ko ito sa aking pinsan na kapitbahay niya. Dahil sa natuklasan ko ay agad akong nakipag-break sa kanya. Panay ang paliwanag niya pero ayaw ko nang makinig. Hindi raw totoo ang balita. Kababata lang daw niya at ang turingan nila ay magkapatid lang. Dapat ko ba siyang paniwalaan?

Dear Katryn,

Sa anumang relasyon, mahalaga ang tiwala sa isa’t isa. Ang nagmamahalan ay nagbibigay sa isa’t isa ng benefit of the doubt. Maaring totoo o hindi ang sinasabi ng bf mo pero bago ka gumawa ng conclusion dapat ito’y mapatunayan mo sa iyong sarili. May kasabihan na ang naniniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili. Kaya before jumping into conclusion, ikaw mismo ang dapat magpatunay kung totoo ba o hindi ang iyong hinala.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments