Bakit ka tini-tagihawat? (2)
Sinu-sino ang maaring magkaroon nito?
Ayon sa mga Dermatologists (ispesyalista sa balat) tinatayang nasa three-quarters ng edad 11 hanggang 30 ay nagkakaroon ng acne. Maaaring maapektuhan ng tagihawat ang anumang lahi o edad. Karaniwang nagkakaroon ng tagihawat ang mga kabataan at mga nagbibinata at nagdadalaga. Bagamat maaaring maapektuhan nito ang babae at lalaki ay dahil sa testosterone na marami sa mga kabataang lalaki.
Anu-ano ang sanhi ng tagihawat?
Walang nakakaalam sa eksaktong sanhi ng tagihawat. Ang mga eksperto ay naniniwala na ang dahilan ng tagihawat ay ang pagtaas ng level ng androgen. Isa itong klase ng hormone. Ang pagtaas ng level androgen ay nakapagpapalaki ng oil glands na nasa ilalim ng ating balat ang paglaki ng gland ay nakakapagdulot ng mas maraming oil. Ang sobrang dami ng sebum ay nakakasira ng cellular walls sa ating pores na maaring magdulot ng pagdami ng bakterya. Ang androgen level ay tumataas kapag ang isang tao ay naging ganap na adolescent na. May ilang pag-aaral na nagsasabing ang isang sanhi ng tagihawat ay maaring namamana o genetically inherited.
10 gabay upang maiwasan ang tagihawat
1. Panatilihing malinis ang ating mukha. Kahit na tayo ay meron o walang tagihawat, importanteng maghilamos ng mukha dalawang beses sa isang araw upang maalis ang dumi, dead skin, at sobrang dami ng langis sa ating mukha. Ang paghihilamos ng higit sa dalawang beses o mahigit pa ay hindi nakakatulong at maaring magpalala pa ng problema sa ating mukha. Gumamit ng maligamgam na tubig at mild facial cleanser sa paghihilamos ng ating mukha. Ang paggamit ng matapang na sabon (deodorant body soup) ay maaaring magdulot ng pamamaga o pamumula at iritasyon sa balat. Iwasang kuskusin ng maigi ang balat natin sa mukha gamit ang mga basang damit, exfoliating glove, at loofah (magaspang na panghilod). Dahan-dahanin ang paghihilamos gamit ang ating malinis na kamay o gumamit ng malambot na tela. Hugasang maigi at gumamit ng tuyo at malinis na towel sa pagpupunas ng mukha. Itutuloy
- Latest