^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (9)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“BAKIT kaila­ngang patayin si Arlene namin dahil sa pagsasabi ng totoo, Mark? Talaga namang napakarami nang tiwaling nanunungkulan sa gobyerno, a.” Hindi matapus-tapos ang hinanakit ng nanay ni Arlene.

“Beinte dos lang si Arlene, Mark. Pa­ngarap niyang maging matinong presidente ng republika balang araw… Ang balang araw na iyon, hindi na darating sa kanya…” Ang tatay ng dalaga ay hindi natatahimik; nais na yatang pumatay.

Kanina pa nito hinahasa ang gulok. “May magkamali lang maligaw na pulitiko dito at nakikiramay kuno sa amin—talagang tatagain ko sa leeg!”

“Huwag naman ho, Mang Baste. Ayaw ho ni Arlene ng karahasan.”

“Pero, Mark, aping-api si Arlene! Wala siyang planong mamatay agad!” Lalong nagngitngit ang ama.

Sumali sa usapan ang dalawang naka­babatang kapatid ni Arlene. “Kuya Mark, di ba ang sabi—40 days bago aakyat sa langit ang namatay?”

Si Jenny, 14, ang nagtatanong.

“Well, iyon ang paniwala ng matatanda,” safe na sagot ni Mark; hindi na kailangang sabihin na iba ang kanyang paniwala.

“Kung totoo ‘yon, Kuya Mark, meron pang nalalabing 20 days si Ate Arlene na maggala.”

“Hindi pa ba siya nagpaparamdam sa iyo, Kuya Mark?” tanong ni Jeff, dose anyos, bunso ng pamilya.

Umiling ang binata. “Wala munti mang paramdam sa’kin si Arlene.

Naniniwala akong nananahimik na siya sa piling ni Lord.”

“Kilala ko si Ate Arlene. Hindi basta ‘yon aalis. Uubusin niya ang 40 days niya sa Pilipinas.” Napapaluha si Jenny. “Miss na miss ko na siya…”

“Huwag ka palang mawawala sa ika-apatnapung araw ni Arlene, Mark,” paalala ng nanay ng dalaga. “May padasal.”

“Magdadala po ako ng konting mapagsasaluhan,” pangako ni Mark, pigil ang lungkot.

SA MALALAKING bahay sa iba’t ibang first class subdivisions, may  naggagalang magandang multo. Multo ni Arlene. Minumulto niya ang mga corrupt. “Aaahhh!” takot na takot na sigaw ng politician, napalabas ng bathroom nang di-oras, hubo’t hubad. “Multooo!”

Naiskandalo ang mga maids. “Eeek! Bold si Sir!”  (ITUTULOY)

 

 

 

               

               

                               

                 

 

ARLENE

ATE ARLENE

HUWAG

KUYA MARK

MANG BASTE

MARK

SI JENNY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with