Narito naman ang mga “bad habbits†ng mga babae na talaga naman nakaka-turn-off.
Pagngangatngat ng kuko – Unang-una, hindi ito dapat na ginagawa ng kahit na sino, mapa-babae man o lalaki. Dahil nakakadiri naman talagang tingnan lalo na kung makikita mong ang kuko na kanyang kinakagat-kagat ay nangingitim sa dumi. Ang remedyo dito, palagi ka dapat magpa-manicure dahil tiyak na manghihinayang kang ngatngatin ang maganda mong kuko. Sa pamamagitan nito ay unti-unti mong matuturuan ang iyong sarili na alisin ang “bad habbit†na ito sa iyong katawan.
Walang tigil na pagtse-check sa social network – Hindi masama ang maging aktibo sa mga social networking gaya ng facebook, twitter, IM at iba pa. Kaya lang hindi napapansin ng mga babae na minsan, masyado na silang over acting pagdating dito, daig pa ang celebrity sa pag-aabang kung sinu-sino ang magla-like o magko-comment sa kanilang photos. Ang ganitong gawain ay sobrang nakaka-stress at nagiging dahilan din ng hindi pagkakaroon ng maayos na tulog at pagpapahinga. Kung hindi ka naman makatulog sa gabi kaya ginagawa mo ito, bakit hindi na lang mga makabuluhang libro ang basahin mo, para madagdagan ang iyong talino!
Hindi makayang alisin ang paninigarilyo at pag-inom ng soft drinks – Determinasyon lang ang kailangan upang magawa mong alisin ang mga bagay na ito sa iyong katawan. Kung kakayanin mong alisin ang paninigarilyo at ititira mo ang pag-inom ng soft drinks at wala ng balak pang alisin ito sa iyong sistema, hindi ito magandang planuhin, dahil isipin mo na lang na marami ka rin makukuhang sakit sa pag-inom nito at presto! Tataba ka pa.
Pagkain ng apat na uri ng desserts o matatamis na pagkain sa gabi – Kung gusto mo ng iwan ang pagkakaroon ng mala-coca-colang katawan, gawin mo ito. Bakit hindi mo na lang subukan na kumain ng kaunting biskwit na medyo matamis at uminom ng maraming tubig. Kung hindi pa rin uubra ang pagkain ng biskwit, maglakad-lakad sandali at tiyak na aantukin ka matapos ang ilang minuto.