Ang paulit-ulit na pagkapit ng asido ay nagdudulot ng demineralization, o paglambot ng enamel ng ating ngipin. Gayunman, ang ganitong pagkasira ay naaayos naman araw-araw. Paano? Napatunayan na ang fluoride ay patuloy na nakatutulong sa pag-iwas ng pagkasira ng ngipin dahil naibabalik nito ang nawalang mineral sa ngipin. Maaaring kumalat ang pagkasira sa iba pang mga ngipin, maiaayos din ito kung taglay ng ngipin ang ilang sustansiya, gaya ng fluoride.
Mga dapat gawin sa pagbisita sa iyong Dentista
Sa isang pag-aaral na bagay na kinatatakutan ng mga tao ay isa rito ang pagpapatingin sa dentista. Tama ba na tayo ay matakot sa dentista? Sa mauunlad na bansa, ang mabibilis na barena ng ngipin at mga anestisyang ipinapahid at itinuturok ay tumutulong na ngayon sa mga dentista na isagawa ang kanilang paggagamot nang walang gaanong kirot o hirap sa pasyente. Ang pagiging pamilyar sa bawat hakbang ng paggagamot ay maaaring makabawas sa ating mga pangamba.
Maaaring nasasangkot sa pagpapatingin sa dentista ang lubusang paglilinis ng isang hygienist sa iyong ngipin. Sa prosesong ito, tinatanggal ang tartar at plaque na hindi maabot ng sipilyo at ng dental floss. Pagkatapos ay pinakikintab nito ang ngipin upang mapigilan ang pagdami ng plaque at inaalis ang mga mantsa na makasisira sa ating ngipin.
Dahil napatunayan na nakababawas sa pangaÂnib ng pagkasira ng ngipin ang mineral flouride, madalas itong inilalagay ng dentista bilang gel, solusyon, o pamanhid sa ngipin ng mga bata. Masusumpungan din ang fluoride sa pampublikong suplay ng tubig sa maraming lupain, at kadalasan na may fluoride ang mga toothpaste bilang karagdagang proteksiyon laban sa pagkasira ng ngipin. (Itutuloy)