MAY bumaril kay Arlene nang malapitan. Tinamaan sa dibdib ang dalagang bumabatikos sa corruption. Bumagsak ito sa entablado, latag agad ang katawan.
EEEEEE! Nagtilian ang mga tao, nagpulasan nang takbo.
Hindi nahuli ang assassin, nakalayo ito at humalo sa crowd.
Si Arlene ay hindi na umabot sa ospital; binawian ng buhay habang nasa ambulansiya.
Parang sinakluban ng mundo si Mark, ang boyfriend ni Arlene, hindi matanggap ang sinapit ng nobya. “Hu-hu-hu-huu. Oh my God, Arlene…â€
Wala na pala silang future ni Arlene, hindi na pala sila makabubuo ng mga pangarap—magpakasal, magkaroon ng mga anak, maging masayang pamilya.
Ngayo’y mga alaala na lamang ang babalikan ni Mark. “Arlene…bakit kailangang mangyari ito?â€
Kung puwede lang ay nais patayin ni Mark ang lahat ng taong corrupt Ang mga ito ang dahilan ng maagang kamatayan ni Arlene. Kung walang corrupt, walang mamamatay na tulad ni Arlene.
NAGING malaking balita ang pagpatay kay Arlene; naging laman ng diyaryo, radio at telebisyon.
Maging sa social media ay lumaganap ang galit ng mga netizens.
Lalong sinisi ng mga tao ang mga sangkot sa korupsyon. Sari-saring grupo ng concerned citizens ang nagmartsa, humihingi ng katarungan para kay Arlene.
ARAW-araw na dinalaw ni Mark ang libingan ni Arlene. Kinakausap niya sa diwa ang nobya.
“Arlene, babe… kung anu-anong pagganti sa mga corrupt ang naglalaro sa isip ko. Panahon ng kampan-ya ngayon, gusto ko na yatang maghuramentado…mamaril ng mga kandidatong bumibili ng boto…â€
Ang binata ay laging may baon na stickers—‘yung ipinagawa sa kanya noon ni Arlene na nagsasaad na ‘Konti lang ang nanakawin kong pera ng bayan, promise’.
“Plano ko ring taniman ng time-bomb ang pagdarausan ng miting de abanse; makapatay man lang ng ilang corrupt…â€
Lahat ng madaanang campaign posters ng mga kandidato ay palihim na dinikitan ni Mark ng baon na stickers. (ITUTULOY)