Maraming kababaihan ang napagiiwanan ng panahon. Maraming dahilan kung bakit sila humahantong dito. Isa na ang takot sa mga bagay na marararanasan nila sa kanilang magiging mister o sa kanilang buhay may-asawa. Kagaya ng naging problema ng texter na si Thelma, 28. Hindi niya mapakasalan ang kanyang boyfriend dahil sa takot na posibleng hindi niya pa alam ang tunay na ugali ng lalaking ito. Kung ito ba ay magiging mabuting mister at ama ng kanyang magiging anak. Narito ang ilang palatandaan ng isang mabuting karelasyon o partner na maaari mong maging gabay para masabi mo kung ang iyong boyfriend ay karapat-dapat mong pakasalan:
Sinungaling – Pag-aralan mo kung siya ay nagsisinungaling o nangloloko sa’yo. Ang ganitong uri ng lalaki ay hindi pa handa sa anumang “commitment†at sa seryosong relasyon. Ang tanging nais nito ay maglaro sa mga kababaihang nakapaligid sa kanya.
May problema sa sarili – Kung ang iyong bf ay palaging magagalitin at tila hindi niya kayang kontrolin ang galit sa kanyang dibdib o sarili, mas mabuti pang tumakbo ka na palayo sa kanya. Maaaring sa tingin mo siya ay cute at “charming†sa umpisa ng inyong relasyon, ngunit kapag nakita mo nang wala siyang kontrol sa kanyang sarili kapag nagagalit at mabilis siyang magalit at ang galit na ito ay palaging naibabato sa’yo. Lumayo ka na habang may panahon pa.
Makasarili – Ang isang taong makasarili ay hindi iniisip ang nararamdaman ng kanyang partner. Kapag nakita mong ang lalaking ito ay walang pasintabi sa pagpuri sa kagandahan ng ibang babae kahit kayo ay magkaharap at ikukumpara ka pa nito sa iba, ibig sabihin nito ay wala siyang pakialam sa’yo. Ang ugaling ito ay isa sa mga tinatawag na “relationship breakerâ€.