Foot Reading (7)

HINLILIIT

Maikling Hinliliit: Kadalasan ay isip bata sila, tumatakas sa responsibilidad nila; mabilis mainip at laging naghahanap ng mapaglilibangan sa halip na mapagkakakitaan.

May paniwala ang mga sinaunang  Chinese na ang lalaking nakapagpapagalaw ng hinliliit sa paa nang hindi gumagalaw ang ibang apat na daliri, ay mahilig mambabae, mabilis magpa-ibig at mahilig sa adventure. Kaya bago magpakasal, testingin ang hinliliit ng nobyo kung kaya niya itong igalaw-galaw nang hindi gumagalaw ang apat na katabing mga daliri.

Show comments