Alam n’yo ba na ang Sahara ang pinakamainit na disyerto sa buong mundo? Ang buhangin dito ay may kapal na 30-talampakan. Bago pa man maging diÂsyerto ang Sahara ay mayroon itong ilog na umaagos at sariwang bukirin. Natagpuan sa pusod nito ang isang kuweba na puno ng paintings na ginawa 9,000 taon na ang nakararaan. Noong Pebrero 20,1943 nabiyak ang lupa sa isang taniman ng mais sa Paricutin, Mexico at lumabas mula dito ang mga batong nagbabaga sa init. Isang bulkan ang umusbong dito at sa unang araw pa lang ay 35-talampakan agad ang itinaas nito.