^

Para Malibang

‘Patay kayo, mga corrupt’ (4)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“PAKIULIT, Arlene.”

“Sabi ko, Mark, Sana, tulad ng mga tarsiers ng Bohol, na nagpapakamatay kapag ikinukulong, magpakamatay na ring lahat ang mga corrupt sa gobyerno.”

Masuyong tinakpan na ni Mark ang bibig ng emotional na nobya. “Arlene, tama na…sobra-sobra mo nang dinidibdib ang problema ng ‘Pinas. Maglabi ka naman ng oras sa ating dalawa.”

Para namang natauhan ang dalaga. Hinagod sa pisngi ang boyfriend. Itinuro ang kainan. “Mag-breakfast na tayo du’n. Gusto ko ng tapsilog.”

“Dagdagan natin ng pandesal at hot tsokolate.”

Naging malambing na sa boyfriend si Arlene habang kumakain. “Mahal na mahal kita, Mark.”

“Ako rin, Arlene. I can’t live without you.” Sinubuan ni Mark ng pandesal ang dalaga; pinalagok din ng hot tsokolate.

“Ikaw lang ang gusto kong maging partner in life, Mark.”

“Same here. Kung di rin lang ikaw ang magi‑ging wife ko, huwag na.”  “Meaning hindi ka na mag-aasawa?”

“Oo naman. Iisa lang ang puso ko.”

“Hi-hi-hi.”

“Bakit ka nagtawa, Arlene Delmar?”

“Akala ko kasi ang sabi mo—‘iisa lang ang pusod ko’.”

“Ha-ha-ha!” Natawa na rin si Mark.

Mayamaya’y sumeryoso na naman ang mood ng dalaga. Napahinto sa pagkain, nakatanaw sa malayo.

“Arlene, bakit na naman?”

“Mark, naalala ko ang trahedyang dulot ng kahirapan--- dahil sa mga mandarambong ng kaban ng bayan…”

“Arlene naman…”

“…’Yung estud­yante ng UP na nagpa­kamatay dahil kapos ng pambayad sa school…’Yung mga batang musmos na ginagamit sa pagpapalimos…’Yung mga nagugutom sa remote areas sa Bohol na hindi naaabot agad ng relief goods …nag-uugat lahat sa pondong winaldas…

“Kapag ako’y big‑lang namatay, Mark, papatayin ko ang lahat ng nagnanakaw sa pera ng bayan!” 

(ITUTULOY)

vuukle comment

ARLENE

ARLENE DELMAR

BAKIT

BOHOL

BRVBAR

DAGDAGAN

HINAGOD

MARK

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with