‘Patay kayo, Mga corrupt (2)
SARISARI ang reaksyon ng mga nakaÂbasa sa campaign posters ng mga kandidato, na dinagdagan-pinakialaman nina Arlene at Mark nang sinundang gabi.
. May natutuwa, may nagngingitngit, may nanlalait.
“Hi-hi-hii. Kapag daw nahalal, konti lang ang nanakawin nitong si Atorni sa pera ng bayan!â€
“Buwisit siya, hindi siya makakatikim ng boto ko!â€
“Palibhasa, abugado ni Meyor Kurakot—kaya hayan, nainggit, siya naman ang gustong mangurakot!â€
Nasa di-kalayuan sina Arlene at Mark, Natatanaw-naririnig ang komento ng mga taong tumitingin sa posters.
Pasimple ang dalawang magsyota, walang maghihinalang sila ang nagdagdag ng nakaiinis na text sa posters ng candidates.
Lumayo na sila doon na nasisiyahan. “Nagre-react sila, Mark! Fed-up na sila sa mga magnanakaw na politicians.â€
“Tama lang. kailan pa ba sila magigising na matagal na tayong biktima ng mga mandarambong?â€
Nag-breakfast sila sa affordable kainan sa roadside.
“Alam mo, Mark, hindi ko talaga tatantanan ang mga corrupt na ‘yan. At hindi lang politicians—pati tiwaling government officials, kakalampagin ko.†Hindi nagbibiro si Arlene. “Basta lagot sila sa’kin.â€
“Arlene, relax. baka naman mapahamak ka. Ayokong maiwan mo.â€
“Hindi naman ako mag-a-underground, a. Mark, puwede tayong magmahalan while I’m at war with those bastards.â€
Pinahinahon ni Mark ang magandang nobya. “Huwag mong ilakas, baka marinig ka ng kalaban.â€
“Hindi ko lang naman matanggap na ang tinatawag nating mga ‘Honorable’ ang pinakamalaÂking kawatan ng pera ng bayan, Mark.â€
“Iniimbestigahan na sila, Arlene…â€
Umiiling ang dalaga. “Ewan, hangga’t hindi naipapakulong ang mga nangurakot, hindi ako matatahimik.â€
“Arlene, ang lumalakad nang matulin...â€
“—Kung matinik ay malalim, ha, Mark?â€
“Hindi. Ang lumalakad nang matulin, nagmamadali dahil sira ang tiyan,†biro ni Mark. (ITUTULOY)
- Latest