Paano ba ang tamang pag-aalaga sa iyong “bird� May mga nagsasabi na simpleng paghuhugas, pagsasabon, pagshe-shave at pagpapatuli kay “bird†ay puwede na. Ano nga ba kahalagahan ng pagpapa-tuli sa kalalakihan upang mapangalagaan ng husto ang kanilang “bird� Dito sa ating bansa karaniwan ang mga batang lalaki ay nagpapatuli dahil sa ito ay sukatan ng pagiging tunay na lalaki. Ang karaniwang paraan ng pagtutuli dito sa ating bansa na ginagawa ay tinatawag na slit hiwa sa dorsal) o pukpok na paghihiwa sa ibabaw na parte ng bird (foreskin) na walang tinatanggal na anumang laman o balat. Ito ang karaniwang libreng pagtutuli na ginagawa sa mga kanayunan tuwing tag-init. Ito ay ginagawa bukod sa Pilipinas maging sa mga isla ng Pasipiko. Isa sa mga maling paniniwala sa pagpapatuli ay upang tumangkad ang isang lalaking tinuli. Ang paglaki o pag-develop ng isang bata ay nangyayari sa puberty age ng mga kalalakihan na natataon sa kanilang pagpapatuli kaya sila ay dagliaang lumalaki at maraming nagbabago sa kanilang katawan at maging sa kanilang boses.
NEW BORN SCREENING? Last Part
3. Galactosemia (GAL)
- Ang GAL ay isang di pangkaraniwang metabolic disorder kung saan may kakulangan o walang enzyme ang katawan ng sanggol upang iproseso ang galactose, isang uri ng sugar mula sa gatas. Kapag may mataas na bilang ng galactose ang dugo, maaari itong magdulot ng cirrhosis, enlarged liver (hepatomegaly), renal failure, katarata at pinsala sa utak. Maaari rin itong ikamatay ng sanggol.
4. Phenylketonuria (PKU)
- Isa itong metabolic disorder kung saan ang katawan ng sanggol ay walang kakayahang iproseso ang amino acid phenylalanine. Kapag hindi naagapan, magdudulot ang PKU ng mental retardation at seizure.
5. Glucose-6-Phosphate Dehydrogenase Deficiency (G6PD Def) – Ito ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay may kakulangan sa enzyme na G6PD. Ang kakulangang ito ay mauuwi sa malalang kaso ng anemia.