Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba  na ang toilet paper ay inimbento sa China noong 1875? Pero, may mga lumalabas din na ulat na ito ay talagang nagmula sa New York at ginawa ni Joseph Ga­yetty noong 1875 rin. Ang toothpick ay unang ginamit sa U.S. sa Union Oystesr House kung saan ito rin ang pinakamatandang restaurant sa New York. Gayunman, 90% ng toothpick sa U.S. ay mula sa Maine. Ang singkamas ay unang naitanim 4,000 taon na ang nakalipas at pinaniniwalaang orihinal na nagmula sa Central Asia. Nakilala rin ito bilang pagkain ng mahihirap at gutom na tao. Mabilis itong tumutubo sa malalamig na lugar. Mababa rin ang taglay nitong calories at mahusay pagkunan ng vitamin A, C, potassium at calcium. Nag-iisa naman ang naitalang tao sa whitepages.com na may apelyidong “Turnip”. Ang salitang “trans fats” ay mga unsaturated fatty acids kapag pinoproseso ang vegetable oil kung saan nagiging solido ito. Ang tawag naman dito ay “hydrogenation”.

Show comments