Maraming babae ang sanay na magtrabaho o mag-opisina bukod sa kanilang pagiging house wife o maybahay. Kaya lang minsan, ang trabahong ito rin ang pinag-aawayan ng mag-partner dahil maaaring ang pakiramdam ng isa ay nagkukulang ang kanyang misis/gf sa oras at atensiyon na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit paano nga ba kung nakakuha ka ng misis/gf na masyadong subsob sa kanyang trabaho? Narito ang ilang magagandang tips para mapigilan mo sa ate sa kanyang pagiging “workaholicâ€.
Pairaling mabuti ang itinakdang “schedule†- Kung alam mong masyadong hectic o mahigpit ang kanyang schedule, bakit hindi ka magtakda ng inyong oras at araw para lumabas at magkaroon ng “bonding momentâ€. Bagama’t sa umpisa ay tila mahirap gawin at posibleng ang kanyang pagtanggap ay magiging diktador ka sa buhay niya, ngunit habang nagtatagal ang ganitong aktibidad ay malaki naman ang posibilidad na kasabikan ninyong dalawa ang pagkikita sa inyong napag-usapang oras.
Gamitin ang mga “high tech†- Marami rin ang naitutulong ng teknolohiya sa mga tao, lalo na sa taong mayroong “Long Distance Relationshipâ€. Kung talagang sobrang higpit ng mga appointments ni ate, pupuwede naman kayong mag-chat sa mga social networking sites gaya ng facebook, YM at iba pa. Dito kahit kayo ay kapwa nagtatrabaho, magkakaroon pa rin ng bukas ng komunikasyon sa bawat isa. (Itutuloy)