Paano Kontakin ang Guardian Angel? (2)

Ang mga sumusunod ang dapat iwasan dahil humahadlang ang mga ito para makakonek sa mga anghel:

Diet—Iwasan ang kape, mga pagkaing may preservatives at tsokolate. Ito ay mga low vibration foods na humahadlang para makipagkomunikasyon sa isang higher dimentional being. Ang mga anghel ay ispiritu na ang vibration ay nasa mataas na level. Paano mo makokontak ang nasa mataas na dimension kung kakain ka ng low vibration foods. Hindi kailangang ma­ging vegetarian ka pero dapat ay natural foods ang kinakain. Isa pang dapat iwasan ay illegal drugs at alak.

Magulong buhay—Paano maaabot ang mataas na vibration ng mga anghel kung magulo ang  isip at kalooban?

Negative people—Umiwas sa mga masasamang barkada, mga palaaway, tsismosa at palamurang tao. Hindi mo namamalayan, naipapasa nila ang kanilang negative energy sa iyo.

 (May karugtong)

 

Show comments