Duda sa pagmamahal ng gf

Dear Vanezza,

Ang problema ko ay ang gf ko na isang nurse. Halos 5 years na kaming mag-on. Sa tuwing magkikita kami ay masaya kami pareho. Lagi kaming nagsisimba sa Baclaran tapos ay uuwi na. Sa tuwing magsisimba kami lagi siyang nagpapaalam na uuwi agad. Lagi rin kaming nanonood ng sine. Tanong ko lang, mahal ba ako ng gf ko o ako lang ang nagmamahal? Kasi po’y madalas siyang busy. Ano ang gagawin ko? - Mark

Dear Mark,

Hindi ko maintindihan ang sinasabi mong wala siyang panahon sa iyo gayong sinabi mo na lagi kayong nagsisimba sa Baclaran at laging nanonood ng sine. Baka naman may iba ka pang gusto bukod sa pagsisimba at panonood ng sine? Kung five years na ang inyong relasyon at nasa tamang edad na kayo, yayain mo na siyang magpakasal. Para sa ganoon ay palagi mo na siyang kapiling. Kausapin mo siya sa mga plano mo para sa inyong dalawa sa halip na pagdudahan. Baka ikaw lang din ang hinihintay nyang mag-open ng ganung topic. Hindi naman siguro tatagal ang relasyon ninyo ng 5 years kung hindi ka niya mahal, kahit puro simba at panonood lang ng sine ang pinaka-date n’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments