^

Para Malibang

Newborn Screening? (2)

BODY PAX - Pang-masa

B. Kailan isinasagawa ang NewbornScreening?

Ang Newborn Screening ay isinasagawa sa loob ng isa hanggang dalawang araw matapos maipanganak. Kung gusto namang makasiguro, maaaring ipaulit ang Newborn Screening test makalipas ang dalawang linggo.

C. Ano ang iba’t-ibang sakit na maaaringmalaman sa pamamagitan ng NewbornScreening?

1. Congenital Hypothyrodism

– Ito ay isang kondisyon kung saan kakaonti o walang Thyroid hormone na mahalaga para sa pagdebelop ng isip at pangangatawan ng isang sanggol.

Kapag hindi ito agad naagapan, maaa­ ring magkaroon ng mga komplikasyon gaya ng ma­bagal na proseso ng paglaki at mental retar­dation o kakulangan sa wastong pag iisip.

Mga sintomas ng Congenital Hypothyrodism:

a. Sobrang pagtulog ng sanggol

b. Kawalan ng interes sa pagsuso.

c. Nakikitang hindi maliksi ang sanggol sa  paggalaw.

d. Mahinang pag-iisip

e. Mababang tono ng pag-iyak

f. Matinding paninilaw ng balat o Jaundice

g. Mababang temperature o Low BodyTemperature

2.  Congenital Adrenal Hyperplasia (CAH) - Tumutukoy ito sa endocrine disorder na nagdudulot ng salt deficiency at dehydration. Mataas din ang male sex hormone ng sanggol na mayroon nito. Kapag hindi agarang nalunasan, mamamatay ang sanggol isa o dalawang linggo matapos ang kanyang kapanganakan.

ANG NEWBORN SCREENING

ANO

CONGENITAL ADRENAL HYPERPLASIA

CONGENITAL HYPOTHYRODISM

KAILAN

KAPAG

MABABANG

NEWBORN SCREENING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with