Alam n’yo ba na ang luyang dilaw o (curcuma longa) ay ginagamit din sa paggawa ng sorbets? Bukod sa sorbets ay inilalahok din ito sa sarsa at ginagamit bilang additive at tinatawag itong E100. Mahusay din ito bilang proteksiyon sa pagkain laban sa sikat ng araw at kapag sinama sa annatto o atsuwete, tinatawag itong E160b. Ginagamit pa rin ang luyang dilaw na pagkulay sa keso, yogurt, salad dressing, matikilya at margarina. Ang luyang dilaw ay katutubo sa mga tropical na bansa ng Timog Asya at nangangailangan ng temperature mula 20-30 degrees Celsius at maraming ulan para lumago. Ang bayan ng Sangli sa estado ng Maharashtra, India ang pinakamalagong kalakan ng luyang dilaw sa Asya.