May bukas pa
Dear Vanezza,
Ako si Yano, 30. Nakulong ako nung araw. Napa-trouble ang barkada sa isang bar at napatay ang isang lalaki sa rambol dahil lang nasagi. Ang masakit ay nadiin ako sa kaso. Hindi ako ang nakapatay sa biktima kundi ang mga kaibigan ko na pinagtulungan siya. Ang sabi nila noon, tutulungan ako sa kaso. Pero hanggang sa salita lang sila dahil bigla silang nawalang parang bula. Ang higit na masakit ay tinalikuran ako ng aking nobya. Naniwala siya na ako talaga ang nakapatay at hindi na ako lalaya. Kulang siya sa tiwala sa akin. Sa loob ng mahabang panahon na inilagi ko sa kulungan ay hindi ko nasilayan ang mga kaibigan ko. Ngayon ko na-realize na wala palang maidudulot na buti ang barkada. Ngayon ay pilit akong bumabangon mula sa masaklap na karanasan. Nabalitaan ko na may asawa’t mga anak na ang dating nobya ko.
Dear Yano,
Hindi pa huli ang pagbabagong buhay. Ang karanasan mo sa loob ng piitan ang siyang magpapatibay sa iyong commitment sa sarili na tatalikuran mo na ang mga grupong walang ituturong mabuti kundi trouble. ‘Wag kang panghinaan ng loob. May maganda pang hinaharap ang naghihintay sa mga taong natuto sa kanyang pagkakamali at handang magbago. Makakatagpo ka rin ng babaeng magmamahal sa’yo at iibigin mo rin. Manalangin ka na ang mga ito’y iyong maÂtamo.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest