Sigurista sa pag-aasawa

Dear Vanezza,

Just call me Maqui, graduating po sa kursong Mass Communication. Hingi po sana ako ng advice on how to ensure the success of marriage. May bf po kasi ako at kinukulit n’ya na akong magpakasal kami. I have been engaged with this guy for almost a year and I guess nagkakilala na kami nang husto and both of us are sure we will  be a perfect match. Kaya lang may konting takot ako dahil marami akong kakilala ilan ay mga kaibigan ko pa na after a while ay nag-collapse ang marriage. Ano ba ang dapat gawin at tandaan para manatiling matibay ang relasyon. Salamat po.

Dear Maqui,

May kasabihan na ang pag-aasawa ay hindi kaning isusubo at iluluwa kapag napaso. Kung sa palagay ninyo ay sapat na ang isa’t kalahating taon para makilala n’yo nang husto ang pagkatao at ugali ng isa’t isa, handa mong tanggapin ang kanyang kapintasan at kahinaan, go ahead sa plano ninyong magpakasal. Tiyakin n’yo rin na financially stable na kayo at hindi lang aasa sa suporta ng magulang. Pero higit sa lahat, gawin ninyong sentro ng inyong pagsasama ang Diyos. Madalas ay inuuna ng mag-asawa ang pagpupunyaging yumaman o kaya’y pagsusulong ng kanilang propesyon bago ang Diyos kaya sila’y nagiging bigo. Sana’y magsilbing inspirasyon sa iyo ang mga payong ito. Sa bandang huli, kayo pa rin naman ang magdedesisyon at pipili ng inyong future.

Sumasaiyo,

Vanezza

 

Show comments