“PUPUNTAHAN ko sa buwan ang kaluluwa mo, Natalie! Diyan ka lang!†bilin ni Vincento bago tuluyang lumipad sa kalawakan.
Tinutumbok niya ang buwan na hindi pa kabilugan; kakarampot ang liwanag na isinasabog.
Mas mabilis pa si Vincento sa paglalakbay ng tunog; this vampire is faster than the speed of sound.
Zooommm. Humuhugong ang kanyang bilis.
Muntik-muntikang mahagip ng asteroids at iba pang kalat sa kalawakan. “Aaaahhh!†Napamura ang alagad ng dilim. “Putang…ga-hibla lang ang pagitan ko sa bulalakaw na ‘yon! Muntik na akong magkalasug-lasog!â€
Pinasibat niya sa buwan ang signal mula sa isipan. Tsikiitts.
Hinahanap niya kung nasaan nang bahagi ng buwan ang kaluluwa ni Natalie. “Kailangang magkita kami, bago niya maisipang magtuloy sa iba pang planeta.â€
NASA buwan pa ang kaluluwa ni Natalie; hinahanap ang mga bakas ng astronauts na naglanding sa buwan noong July 1969, kung tama ang pagkakatanda niya sa date.
Pati bakas ng gulong ng moon buggy na sinakyan doon ng tao ay hinahaÂnap ng kaluluwa ni Natalie. “Bakit wala? Bakit hindi ko makita?â€
Nagbabangon ang pagdududa. “Baka tama ang sabi-sabi—na hindi totoong nakarating dito sa buwan ang mga astronauts?â€
SA GUHO ng lumang simbahan sa gulod, ang katauhan ni Natalie ay hindi mapalagay; palakad-lakad.
Hindi niya kayang unawain kung bakit siya nasa guho, kumbakit siya ay nag-iisa. Ang utak niya ay tulad lang sa batang 2-year old, walang muwang sa mundo.
Kumaripas siya ng takbo pababa ng gulod. Nadupilas siya, tuluy-tuloy na gumulong hanggang sa ibaba.
Hindi siya sumigaw o tumili habang bumubulusok sa mabatong gilid ng gulod. Pati sigaw at tili ay hindi pa niya kayang gawin.
Puro galos at gasgas si Natalie pero walang dugong tumagas. Ang bangkay na nabuhay ay walang dugo sa katawan. (Itutuloy)