Kung ang birth date mo ay halimbawa ay 18, ang mga numerong nang-iimpluwensiya sa iyong buhay ay 1, 8 at 9 dahil 1 + 8 = 9.
Five (5) Good effects: Madali para sa kanya na mangumbinsi ng ibang tao na makiisa sa kanya; masuwerte sa negosyo; may tsansang sumikat ang pangalan. Nagpapahayag din ang number 5 ng pag-iisang dibdib. Bad effects: Nagiging magnanakaw, sugarol, babaero at alcoholic. Kung babae ay tamad sa gawaing bahay at kung lalaki ay magiging iresponsableng ama.
Six (6) Good effects: Nagiging makatao, malikhain, matalino, magaling magnegosyo, maligayang pag-aasawa, matapat sa paghawak ng pera, mahilig mag-ipon at tumulong sa kapwa, maka-Diyos at makapamilya. Bad effects: Nag-aasawa nang maaga o bata pa kaya mas malamang na maging magulo ang buhay may-asawa. Nagiging lasenggo at pabaya sa kanyang buhay.
Itutuloy