Sex pagkatapos ma-cesarean

Tanong: Kailan puwede na uli makipag-sex ang babaeng nanganak sa pamamagitan ng Cesarean section (C-Section)? – Unanimous

Sagot: Marami ang natatakot makipagsex kapag na-cesarean dahil baka nga naman bumuka ang tahi.

Ayon sa mga doctor, puwede nang bumalik sa sexual activities ang mga ‘na-C-S’ makalipas ang anim na linggo o isa’t kalahating buwan pagkapanganak.

Pero may umiiwas pa rin makipag-sex kahit mahigit dalawang buwan na dahil sa takot na baka hindi pa hilom ang sugat.

Ayon sa mga doctor, sa loob ng anim na linggo ay magaling na ang incision at ang cervix ay balik na sa normal.

Kapag na-cesarian ang isang babae, hindi dapat naaapektuhan ang sex drive ngunit maraming mga ‘bagong Mommy’ ang hindi agad bumabalik sa pakikipag-sex ngunit normal lang  ito.

Malamang na ang dahilan ay laging pagod sa pagbabantay ng baby.

Matapos ang anim na linggo, karaniwang bumabalik sa doctor ang Mommy pagkapanganak para makita ng kung magaling na ang sugat at wala nang postpartum bleeding.

Ang bleeding na ito ay galing sa loob ng uterus kung saan naroroon ang placenta. Ang bleeding ay nangyayari sa lahat ng Mommy, mapa-cesarean o normal delivery.

Kapag sinabi ng doctor na puwede nang bumalik sa sex life, ikonsidera pa rin ang mga sumusunod:

*Kung malambot pa o sariwa pa ang incision, mas magugustuhan ang position na ang babae ang nasa ibabaw  o kaya ay patagilid o doggy style para hindi masagi o mabunggo ang tahi.

*  Maaaring ikonsidera ang paggamit ng lubricant para hindi mahirapan sa ‘pagpasok’ o hindi masaktan.

 Ano man ang problema sa sex life pagkapanganak ni Mommy ay maaayos din pagbalik na lahat sa normal. Kailangan lamang ng tiyaga at pasensiya.

 

Show comments