Emosyonal ka ba? Last Part

Narito ang ilang pangkaraniwang emosyon na nararamdaman ng tao at kung bakit niya ito nararamdaman at kung paano ito nagaganap sa kanyang katawan:

Galit – Nakakaramdam ng galit ang isang tao kapag siya may mga bagay na hindi niya makuha o napu-“frustrate” siya. Makikita mong galit ang isang tao kapag namumula na ang kanyang mukha, leeg, nangangalit na mga ngipin at nakatikom ang mga kamay.

Takot – Dumarating ang takot sa isang tao kapag nararamdaman niyang may kakulangan sa kanyang mga karaniwang pangangailangan. Makikita mong natatakot ang isang tao kapag siya ay pinagpapawisan, nanunuyo ang lalamunan at hindi maka­hinga ng maayos o naghahabol ng hininga.

Lungkot – Ang isang taong nakakaranas ng kalungkutan ay nangangayayat, madalas na umiiyak, at walang sigla sa kanyang tinig.

Nahihiya – Iba’t-iba ang dahilan ng tao kaya siya ay nahihiya, posibleng ito ay dulot ng “guilt” o sundot ng konsensiya o dahil sa kanyang pagkukulang. Makikita mong nahihiya ang tao kapag siya ay namumula din ang mukha, hindi makatingin ng diretso o ginagawang abala ang kanyang sarili para mapagtakpan ang kanyang kahihiyan.

Masaya at in-love – Makikita mong masaya ang isang tao kapag maaliwalas ang kanyang mukha, palaging nakangiti at higit sa lahat maganda ang pananaw sa buhay.

 

Show comments