Alam n’yo ba na ang “chopsticks†ay orihinal na nagmula sa China? Gumagamit na sila ng chopsticks 4,000 taon na ang nakararaan. Ang Chinese chopsticks ay matutulis ang dulo habang ang Japanese chopsticks ay malapad ang dulo. Ang dami naman ng katas ng lemon ay dumidepende sa gulang at klimang kinalalagyan nito. Ang katas nito ay mayroong 4.5 hanggang 8.5 organic acids at pinaniniwalaang makakatunaw ng perlas ang citric acid nito. Nang ipakilala ng Kentucky Fried Chicken ang kanilang slogan na “Finger lickin’ good sa China, hindi agad ito napansin dahil ang ibig sabihin nito ay “eat your fingers offâ€.
Ang oil na nakukuha sa pating ay ginagamit na sangkap sa paggawa ng mga skin creams laban sa pagkakaroon ng wrinkles o kulubot sa balat.