Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa kung paano mo mapapanatiling malinis ang iyong “work placeâ€. Ngayon naman ay tatalakayin natin kung paano magiging malinis ang iyong lalagyan ng mga personal na gamit. Narito ang ilang paraan:
Magulong drawer – Mahirap kung palaging magulo ang iyong drawer na lalagyan mo ng panyo, medyas at underwear o iba pang maliliit na bagay na ginagamit mo sa iyong katawan. Bakit hindi mo na lang alisin ang mga medyas mo na maluwag na ang garter, butas na o kupas na ang kulay? Kung nanghihinayang kang itapon ang mga ito, mas mabuting ipamigay mo na lang kaysa maging kalat at pampasikip lang sa iyong drawer. Ipinapayo rin na magkaroon ng “multi-compartment organizerâ€, ito ‘yun klase ng lalagyan na maraming divider at dito isa-isang ilalagay ang iyong mga gamit para mas organisado ang mga ito.
Maayos na lalagyan sa comfort room – Minsan, hindi natin napapansin ang magulong lalagyan ng mga “shower stuff’ sa c.r. Napakasakit sa mata ng magulong lalagyan ng mga sabon. Mas mabuting maglaan lang sa c.r. nang tig-isang sabon ninyong mag-asawa, isang shampoo at sabon para sa inyong mga anak. Itago na lang ang mga gamit sa c.r. na hindi naman madalas gamitin o kaya ay gumawa ng display cabinet at dito ilagay ang mga di pa ginagamit na sabon at shampoo.
Magulong wallet – May mga pagkakataon na maging ang wallet mo ay hindi mo napapansin na magulo. Ilagay ang mga ginagamit na credit at gift cards sa isang maliit na card holder. Isang beses sa isang linggo ay busisiin ang laman ng iyong wallet at alisin dito ang mga resibong hindi na importante.