Pinipilit magtanan...

Dear Vanezza,

Just call me Gel, 15 years old. Nagkaroon ako ng bf. He’s only 13 years old going to 14. Hindi siya lumigaw sa akin. Naging best friends lang kami for a while and later naging mag-on. Mutual understanding daw ito. Twice kaming nag-date sa sine at siya ang first kiss ko at ako rin ang first kiss niya. Pero nagulat ako nang yayain niya akong magtanan kami. Para rin akong natukso pero naiisip ko ang consequence kaya hindi ako pumayag. Pero nagpipilit siya and lately, napansin ko na hindi na niya ako kinikibo. I love this boy so much at ayaw ko siyang mawala sa akin. Ano po ang gagawin ko?

Dear Geli,

Pareho pa kayong bata. Huwag kayong magpadala sa tukso dahil kahit magtanan kayo, walang magkakasal sa inyo dahil kapwa kayo menor de edad. Ang nararamdaman ninyo ngayon ay pansamantala lang. Marami pa kayong dapat matutunan sa buhay kaya ang excitement na nararamdaman ninyo ay huwag ninyong ipagkakamali sa love. Magsipag-aral muna kayo at magtapos ng kurso. High school pa lang kayo at hindi pa dapat iniisip pumasok sa isang seryosong relasyon.

 

Show comments