Upang maiwasan ang mahirap na pagdudumi, isama sa karaniwang pagkain ang fiber. Ang sariwang prutas, madahong gulay, whole grain bread at cereals ay ilan sa mga pagkaing magandang pagkukunan ng fiber. Palagiang mag-eÂhersisyo. Iwasan ang pag-inom ng laxative (pamurga) maliban sa mga suplementong may Psyllium fiber. Ang ilang uri ng laxative ay maaaring maging sanhi ng pagtatae na maaari lamang magpalala sa almuranas.
Upang pahupain naman ang sakit, gumamit ng tubig na mainit-init tuwing maliligo. Linisin ang anus pagkatapos dumumi sa pamamagitan ng pagdampi ng mamasa-masang toilet paper o basang sapin gaya ng baby wipes. Gumamit ng ice pack upang pahupain ang pamamaga. Uminom ng acetaminophen, ibuprofen o aspirin upang tulungan pahupain ang pananakit ng tumbong. Maglagay ng cream na naglalaman ng Witch Hazel sa bahaging apektado o gumamit ng pamahid na pampamanhid. Samantala, ang cream na naglalaman ng Hydrocortisone ay maaaring gamitin sa pangangati o pananakit.
Mga pamamaraan na hindi nangangailaÂngan ng operasyon upang malunasan at masuri ang almuranas:
Sclerotherapy- isang medical na pamamaraan na ginagamit upang alisin ang varicose veins at spider veins.
Rubber band ligation- maaaring gamitin sa paggamot ng internal hemorrhoid. Ito ang paglalagay ng maliit na goma o lastiko sa paligid ng pinaka-ibaba ng almuranas. Pinapahinto nito ang pagdaloy ng dugo at pinatutuyo nito ang almuranas.
Cryotherapy- isang pamamaraang gumagamit ng matinding lamig upang puksain ang sirang tisyu kabilang ang mga selyula ng kanser. Ito rin ay tinatawag na cryosurgery, cryoablation o targeted cryoablation therapy.
Barium enema x-ray- tinatawag din itong lower gastrointestinal (GI) examination, isang pagsusuri sa malaking bituka at tumbong.