Sinisiraan ng mga biyenan
Dear Vanezza,
Tawagin mo na lang akong Milah, 27 years old at plain housewife. Nagtatrabaho sa Dubai ang mister ko at minsan lang sa loob ng 3 taon kami kung magkita. Sa kabila niyan, tapat ako sa kanya. Alam kong nagsasakripisyo siya sa ibang bansa para lamang magkaroon kami ng mabuÂting kinabukasan ng aming anak. Ang problema ko ay ang aking mga biyenan. Nalaman ko na sinisiraan nila ako sa aking asawa, kesyo may kinalolokohan akong lalaki. Nang magkausap kami sa cell phone ng mister ko, sinabi niyang hindi siya naniniwala kaya huwag akong mag-alala. At talagang hindi siya dapat maniwala. Maayos kong ginagastos ang ipinapadala niyang pera at nakapagtayo na kami ng sariling bahay. Nakapagpundar din ako ng grocery kahit wala siya. Paano ko kaya itatrato ang aking biyenan sa harap ng mga paninirang ginagawa niya sa akin?
Dear Milah,
Dedmahin mo na lang ang paninira ng iyong mga biyenan. Tutal hindi naman naniniwala ang mister mo at maliwanag ang ebidensiya ng iyong katapatan. Kapag magkakaharap kayo ng iyong in-laws, pakitaan mo lang sila nang mabuti. May kasabihang “you can never put a good person downâ€. Kapag ang masamang ginagawa sa iyo ay ginagantihan mo ng kabutihan, lalo ka pang pagpapalain ng Dios. Kung pinapakitaan ka nila ng hindi maganda, sila ang nagkakasala at hindi ikaw.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest