Importante sa mga lalaki at babae ang maging malakas ang resistensiya. Malaking tulong sa aspetong ito ang cardio workout. Ang cardio ay pinaiksing cardiovascular na tumutukoy sa puso. Ang Cardiovascular exercise ay isang exercise na nagpapataas ng heart rate at nananatili ito ng ilang araw. Ang mga uri ng exercise para sa cardiovascular workouts ay ang jogging, fast walking, at swimming kung saan tuluy-tuloy itong gagawin. Narito ang mga dahilan kung bakit dapat cardio workout:
1. Pampalakas ng puso
2. Pampalakas ng lungs at nagpapataas ng lung capacity
3. Pinapaganda ang metabolism, sumusunog ng calories at tumutulong sa pagbabawas ng timbang
4. Nakakabawas ng stress
5. Pampalakas
6. Nakakatulong sa pagtulog
Tandaan lamang na kapag nagka-cardio workout ay dapat nakakapagsalita ka, kaya mong makipag-usap habang nagdya-jogging o naglalakad ng mabilis. Sa dami ng pakinabang ng cardio workout, anu ba naman ang 30 minutong pagdya-jogging o brisk walking sa umaga katumbas ng malusog na puso at baga bukod pa sa nakakapayat ito.