Dear Vanezza
Itago mo na lang ako sa pangalang Eenah, 20 years old. Kamakailan ay sinagot ko ang isa kong manliligaw na si Tano. Cute siya at malakas ang appeal. Pero may natuklasan ako sa kanya habang magkasama kami nang malapitan at matagalan. May bad breath siya. Kaya kapag nagtatangka siyang i-kiss ako ay umiiwas ako. Sinasabi ko na lang sa kanya na conservative ako. Ngayon ay parang gusto ko nang makipag-break sa kanya. Ano ba ang dapat kong gawin?
Dear Eenah,
Kung kasintahan mo na siya ngayon, dapat may malasakit ka sa kanya, Iyan ay kung totoong love mo siya. Kung ano yung diperensiya niya na puwede namang i-correct, sabihin mo sa kanya. May kasabihan tayo na ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat. Mali yung hindi mo sinasabi ang kapintasan ng isang tao lalo na kung mahal mo siya. Kaya hindi solusyon ang makipag-break ka sa kanya. Kung iyan ang gagawin mo, paano niya malalaman ang kanyang diperensiya?
Sumasaiyo,
Vanezza