^

Para Malibang

‘Soy milk’ para sa’yo

Ms. Jewel - Pang-masa

Hindi lang ang pagkain ang dapat na maging masustansiya, kundi ma­ging ang ating mga iniinom. Dapat din alamin kung ano ang benepisyo ng iyong kinakain at iniinom gaya ng soy milk. Narito ang ilang benepisyo nito:

Nagtataglay ng protina gaya ng sa gulay -  Walang taglay na “lactose” ang soy milk kaya naman magbebenepisyo dito ang 90% na Asyano. Dahil karamihan sa mga Asyano ay may “lactose intolerance” o hindi kaya ng tiyan nito na tunawin ang lactose.  Mayroon din itong prebiotic sugar na “stachyose” at “raffinose” na tumutulong na mapababa ang lebel ng toxins sa katawan.

Nagpapababa ng cholesterol – Ang saturated fat mula sa gatas ng baka ay hindi mabuti sa kalusugan dahil nagpapataas ito ng lebel ng cholesterol sa katawan. Pero sa soy milk, pinabababa nito ang cholesterol mo dahil sa taglay nitong protinang gaya ng sa gulay. Ayon sa Food and Drug Administration ng Amerika, ang soy protein ay  nagpapababa din ng panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, kaya naman inirerekomenda nito na magkaroon ng 25 gramo ng soy protein araw-araw.

Mababa ang porsiyento ng pagkakaroon ng allergy – Sa pag-aaral ng U.S. Food and Drug Administration, 0.5% ng mga bata ay may allergy sa soy milk habang 2.5% naman ang allergy sa gatas ng baka.

Hindi nagtataglay ng hormones – Walang hormones na makukuha sa soy milk, hindi gaya ng sa gatas ng baka. Ang gatas kasi ng baka ay may taglay na natural/synthetic hormones  na kadalasan ay nakakaimpluwensiya sa maayos na kalagayan ng katawan.

 

AMERIKA

ASYANO

AYON

DAHIL

DAPAT

DRUG ADMINISTRATION

SOY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with