^

Para Malibang

Senyales na mahal ka niya

Ms. Jewel - Pang-masa

Narito ang ilang senyales na mahal ka ng taong mahal mo.

Tinatawagan ka niya – Kung siya ay kumkontak sa’yo sa pamamagitan ng text o tawag sa telepono ng dalawang beses o mahigit ng wala naman importanteng dahilan at nais ka lang kumustahin o bumati, magandang indikasyon ito na mahal ka niya. Ibig sabihin nito, hindi niya makontrol ang kanyang sarili na isipin ka.

Nakikibahagi – May kasabihan na “Kung ano ang sa’yo, Ito ay sa akin din”. Hindi karaniwan sa isang tao ang mag-share ng kanyang gamit. Lalo na kung ang gamit na ito ay talagang iniingatan at minamahal niya. Halimbawa, limited edition ng CD na nasa kanyang sasakyan, notebook, shirt, jacket o sumbrero. Maaaring ang mga ganitong uri ng gamit ay “sacred” para sa kanya kaya walang sinumang puwedeng humawak nito kundi siya. Kapag ang mga gamit na mahal na mahal niya ay nai-share niya sa’yo, masuwerte ka dahil mayroon siyang malaking tiwala sa’yo, kaya naman dapat mong ingatan ang mga ito sa oras na ipinahiram o ibinigay niya ito sa’yo.

Kanta/Tula – Kung may pagkaromantiko ang isang tao, maaari ka pa niyang gawan ng isang tula o kanta na siya mismo ang nag-compose. Ang isang taong nagmamahal ay palaging “inspired” sa kanyang mga ginagawa at nakakalikha ng isang bagay na hindi ordinaryo para sa kanya gaya ng paggawa ng isang tula.

Oras – Hindi siya nanghihinayang sa oras na iginugugol para lang makasama ka. Higit pa dito, humahanap din siya ng pagkakataon na magkaroon ng quality time para sa’yo. Gusto niyang magkaroon ng isang magandang “memory” na kasama ka, maaaring ito ay sa isang park upang mag-picnic o maaari rin naman na basta lang maglakad-lakad at makipag-usap sa’yo.

Espesyal na tawag – Kapag ang isang tao ay nagmamahal daw, hindi siya nakukuntento na tawagin ka lang sa iyong pangalan, dahil minsan ang pagbanggit niya sa iyong pangalan ay tila kinahihiya niya pa. Dahil dito ay babansagan ka niya ng “special nickname” na magiging komportable siyang itawag sa’yo.

Nag-aaral ng bagong bagay -  â€œYou bring out the best in me”. Ito ang kasabihan kung saan lumalabas ang magaganda at mabubuting bagay sa isang taong nagmamahal. Maaaring kung dati ay hindi siya marunong mag­luto, ngayon ay nag-aaral na siyang magluto para magpakitang gilas sa’yo. Kung noon ay hindi naman siya “sweet”, ngayon ay lumalabas ang pagiging malambing niya.

ISANG

KAPAG

KUNG

MAAARING

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with