Last Part
Ang exposure sa radiation bago ipanganak ang isang tao ay malaki ang panganib na magkaroon ng cancer pagdating ng araw. Ang mga batang nasa sinapupunan ay masyadong sensitibo sa radiation na nagdudulot ng cancer. Gayun pa man ang pagtaas ng panganib ay depende sa dami ng radiation na kung saan ay na expose ang batang nasa sinapupunan pa.
Iba pang Panganib Dulot ng Exposure sa Radiation
 - Ang epekÂto sa kalusugan dulot ng exposure sa radiation maliban sa cancer ng batang nasa sinapupunan pa ay hindi gaanong kapanganib kapag ito ay mababa sa normal dose ng radiation. Karamihan sa mga mananaliksik ay sumasang-ayon na ang saggol na nakatanggap ng mababang dose ng radiation (katumbas ng 500 chest x-ray o mas mababa pa) sa panahon ng siya ay pinagbubuntis ay hindi mataas ang panganib na magkaroon. Ang pagtaas ng porsiyento ng panganib ay mas mababa sa dalawang porsiÂyento. 

Sa panahon ng unang dalawang linggong pagbubuntis ang pinaka mapanganib na yugto kung saan ang radiation exposure ay maaaring humantong sa kamatayan ng sanggol.

Ang sanggol na nasa sinapupunan ay binubuo ng iilang cells sa unang dalawang linggong pagbubuntis ng ina. Ang pinsala ng isang cell ay maaaring magdulot ng kamatayan ng similya bago pa man malaman ng isang ina na siya ay nagdadalang tao. Sa mga sanggol na nakaligtas ay may iilan na magkakadepekto gaano man kadami ng radiation exposure.