‘Morning Sex’ (2)

Tips para sa morning sex:

• Importanteng maagang magising para may sapat na panahon sa morning sex kung pareho kayong may trabaho. Kailangang mas maunang magising ang lalaki para ‘malambing’ muna ang babae kung medyo masama ang gising niya. Iparamdam din na maganda siya at sexy sa paningin mo kahit ‘gusot’ pa ang kanyang mukha.

• Puwede ring dahang-dahang bumangon at magsipilyo para hindi siya ma-turn-off sa mor­ning breath.

• Langhapin ang amoy. Dahil pareho pa kayong hindi naliligo, sinasabing mas nakaka-turn-on ang natural na amoy ng katawan. Ayon sa mga scientists sa University of Pennsylvania, ang amoy sa katawan ng lalaki ay napatunayang isang libido booster.

• Mas mainam ang ‘quikie’ sa umaga dail malamang ay pareho kayong nagmamadali dahil may pasok pa kayo. Ang heart-pounding adrenaline ng spontaneous sex ang magpapa-init ng inyong morning sex.

 Ang  sex sa umaga ay nagbibigay sa isip at katawan ng boost na kailangan para simulan ang araw habang napapanatili ang kabataan at kalusugan.

Immunity

Ang production ng Immunoglobulin A (IgA) -isang antibody na panlabann sa infection – ay tumataas sa morning sex. Sa kalagitnaan ng sexual activity, ang production ng IgA antibody ay nangyayari sa mucosal linings ng female genital tract na nagsisilbing harang  at panlaban sa mga infectious diseases. Ayon sa pag-aaral sa Wilkes University sa Wilkes-Barre, PA, natuklasang ang madalas na morning sex ay nagmimintina ng mataas na antibodies levels bilang proteksiyon sa foreign invaders sa katawan. (Itutuloy)

Show comments