Daer Vanezza,
Itago mo na lang ako sa alyas Tomy, 31, isang ex-convict. Napagbintangan akong pumatay sa aking kaibigan. Sampung taon din akong nakulong at pinalaya matapos mapatunayan na talagang wala akong kinalaman sa krimen. Mayroon akong gf at ibig na sana naming lumagay sa tahimik. Pero mahigpit ang pagtutol ng kanyang mga magulang dahil ako’y galing sa loob. May negosyo akong talyer at kaya ko namang bumuhay ng pamilya. Pero malaking setback sa akin ang pagiging ex-convict. Ang gf ko ay 25 years old na pero masyadong masunurin sa kanyang mga magulang. Gusto niyang tapusin na ang aming relasyon. Ano ang gagawin ko?
Dear Tomy,
Nasa tamang edad na ang gf mo para manindigan at magdesisyon sa kanyang sarili. Kung mahal ka niya, dapat ipaglaban niya ang inyong relasyon. Kung tutuusin, wala nang poder sa kanya ang kanyang mga magulang. Magtiyaga ka lang sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya at baka naman magbago ang kanyang isip. Pero kung ayaw niya talagang ipaglaban ang inyong pag-iibigan, wala kang magagawa. Hindi lang naman siya ang babae sa mundo.
Mas makabubuting paunlarin mo pa ang iyong sarili. Isipin mo na lang na maaaring hindi talaga kayong dalawa ang itinakda para sa isa’t isa at tiyak na may daraÂting pang babae na tunay na para sa’yo at mamahalin at susundin ka.
Minsan, ganun talaga ang pag-ibig, one way lang, pero hindi ito tama. Dapat ay nagbibigayan at palaging may unawaan sa bawat isa. Dahil tiyak na hindi magtatagumpay ang isang relasyong iisa lang ang palaging umiintindi at ang isa ay laging iintindihin.
Sumasaiyo,
Vanezza