^

Para Malibang

Gusto mo ba ng ‘pretty nail?’

Ms. Jewel - Pang-masa

Marami sa mga kababaihan ay matatawag na pasyonista o palaging “in” sa fashion at karamihan sa mga babaing ito tinitiyak na maganda ang bawat detalye ng parte ng kanilang katawan hanggang sa pinakamaliit na bahagi nito na tinatawag na “kuko”. Suliranin sa ilan ang mabagal na paghaba ng kanilang kuko, lalo na kung aksidenteng nababali ito, kaya ang resulta, gugupitin na lang ang mga kuko sa kanyang daliri at hihintayin itong humaba muli para mapaganda. Ang paghihintay na ito ang kinaiinipan at kinaiinisan ng mga babaing mahilig magpaganda ng kanilang kuko. Narito ang ilang paraan para mapabilis mo ang paghaba ng iyong kuko.

Alaga -  Ang hindi alam ng madami, kapag may damage o bungi ang kuko, mabagal ang paghaba nito. Kaya mas mabuti kung palagi itong pakikinisin gamit ang nail file. Kapag naghuhugas ng kamay, i-brush mo din ang iyong kuko. Magsuot ng gloves para hindi masira ang iyong kuko kung hindi maiiwasan na gumawa ng mga gawaing posibleng masira o mabali ang kuko. Lagyan ito ng hand cream. Ang mga paraang ito ay magreresulta para humaba ang iyong kuko ng 1/8 pulgada sa loob ng isang buwan.

Exercise – Hindi lang ang mga malalaking parte ng ating katawan ang dapat na mag ehersisyo, makakatulong sa mabilis na paghaba ng kuko ang pag-eexercise ng iyong mga daliri, pagagandahin nito ang sirkulasyon ng dugo sa iyong kamay patungo sa mga ugat ng iyong kuko at presto! Hahaba agad ang iyong kuko.

Uminom ng tubig -  Ang pagpapanatili ng magandang level ng tubig sa loob ng iyong katawan ang pinakamabisang paraan para magkaroon ng malusog at magandang kuko.

Bitamina -  Uminom ng mga bitamina o supplement na magdadagdag ng vitamin C at D sa iyong katawan, ito ang mga bitaminang responsable para sa cellular growth ng katawan ng tao.

Magpuyat -  Oo, tama ang nabasa mo, ang pagpupuyat ay nakakapagpahaba ng iyong kuko. Sa pag-aaral, lumalabas na kapag nagpupuyat ang isang tao, ilang bahagi sa kanyang katawan ang mabilis na humahaba gaya ng kuko at buhok.

Huwag ngatngatin – Iwasan mong panggigilan ang iyong kuko sa oras na ikaw ay nakakaramdam ng tension. Mababalewala ang lahat ng paraan sa pagpapaganda at pagpapahaba ng kuko kung ito ay iyong ngangatngatin. (Halaw mula sa www.yahoo.com)

 

vuukle comment

ALAGA

BITAMINA

HAHABA

HALAW

IYONG

KUKO

UMINOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with