TSIKIZZ. Tsikizz. Tsikizz. Mga tunog ito ng tsinelas na pakaladkad kung ihakbang, mula sa loob ng musoleo. Lampas na ang hatinggabi.
Walang kamalay-malay ang mga nagrorondang sekyu ng pribadong libingan sa nagaganap na hiwaga.
Ang inaabangan nila ay ang posibleng pagliÂtaw ng mga kampon ng dilim—kapre, tikbalang at aswang.
“P-paano pala kung…manananggal? Tiyak na nasa tabi-tabi lang ang kaputol na katawan, di ba?†biglang naisip ng isa sa mga sekyu.
:â€At babalikan iyon ng manananggal bago sumikat ang araw,†dagdag ng isa pa.
Patingin-tingin na rin sila sa suluk-sulok; nagbabakasakaling matuklasan ang pang-ibabang katawan ng manananggal.
SA musoleo, ang may likha ng kaluskos ng tsinelas ay restless, hindi mapalagay. Patuloy ito sa paglalakad nang pabalik-balik.
Mayamaya’y nagtungo na sa dating puwesto, kasama ang magkapares na tsinelas.
UMAGA, may napansin si Mang Tor sa tatlong baytang ng musoleo.
Hindi siya maaring magkamali. May putikang bakas ng sapatos ng lalaki sa bawat baytang.
Napaigtad ang sepulturero. Nakitang papasok sa loob ang mga bakas.
Natitiyak ni Mang Tor na siya ay walang sapatos kagabi, habang kasama ang mga sekyu na nagroronda.
Tiyak din ng may-edad nang sepulturero na ang mga kasamang sekyu ay hindi tumuntong sa mga baytang.
“Baka nagbalik si Sir Sam?†naisip ni Mang Tor.
Tinawagan niya agad ang binata, tinanong. “Ano po, sir? Hindi kayo nagbalik kagabi?â€
Hindi nga raw, giit ni Sam. Nang mag-check si Mang Tor sa gate guards, wala ngang nakatala na nagbalik sa dis-oras ng gabi si Sam.
“Hindi po naman siguro nakapasok kung sinuman ang nagtangka, Sir Sam,†pagbabalita agad ni Mang Tor. “Saradung-sarado naman ho, hindi nabuksan ang mga kandado.â€
“Pupunta ako diyan para personal na magsiyasat, Mang Tor. Wala munang gagalawin,†madiing bilin ni Sam. (ITUTULOY)