Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na itinuturing na pinakamatagal na mag-asawa na nabubuhay ay sina Joseph Henry Jarvis at misis nitong si Annie. Sila ay 79-taon ng kasal.  Noong unang panahon sa Rome, hindi uso ang kasal. Pinatutunayan lamang na mag-asawa ang dalawang tao kapag sila ay nagsasama sa iisang bahay o kaya ay nagbayad ng “dowry” o “dote” ang lalaki sa magulang ng babae. Hindi rin uso ang divorce. Maghihiwalay lang ang mag-asawa kapag umalis na ng bahay ang isa sa kanila. Maraming siyentipiko ang naniniwala na tuwing Pebrero 14 o Araw ng mga Puso naghahanap ng ka-partner  ang mga ibon. Pero, kakaiba ang mga kalapati dahil kapag nakahanap na sila ng ka-partner, ito na ang kanilang palaging kasama at hinahanap. Kaya ang kalapati ay nagging simbolo ng “fidelity” o pagiging tapat.

Show comments