Hindi dapat masakit ang pakikipag-sex. Sa katunayan, dapat ay nag-e-enjoy sa pakikipag-sex. Kung may masakit na nararamdaman, ibig sabihin ay may problema. Dumadaan ang mga babae sa ganitong problema. May time na masakit makipag-sex. Ang tawag dito ay dyspareunia. May dahilan kung bakit nakakaramdam ng masakit ang mga babae kapag nakikipag-sex. Iba ang sakit na mararamdaman. Puwedeng masakit na sa unang pasok pa lamang ng penis, puwedeng masakit lamang paminsan-minsan o kaya ay laging masakit kapag nagse-sex, puwedeng masakit lang kapag masyadong malalim ang penetration.
Masakit pagpasok ng penis - Kung may masakit sa unang pasok ng penis, karaniwang problema ay kulang sa lubrication o pampadulas. Ang pagkiskis ng penis sa sensitibong bahagi ng vagina ay masakit. Normal na nagkakaroon ng lubrication ang mga ‘organs’ kapag naa-arouse. Kaya importante ang ‘fore play’ para ma-arouse ang partner para maging ‘smooth’ ang intercourse. Kung masyadong mabilis ay nakakapag-dry.
Walang lubrication kapag natatakot - Kapag natatakot, mababa ang lubrication. Takot na magkaroon ng STD (sexually transmitted disease), takot na mabuntis, at anumang takot ay hindi nakakatulong sa lubrication.
Masakit dahil sa pamamaga ng genitals - Maaaring makaramdam ng sakit sa pagpasok ng penis dahil sa namamagang external genitals. Posibleng ang dahilan ng pamamaga ay bunga ng yeast infection, warts, herpes, o iba pang uri ng infection. Kung may ganitong problema, kailangang magpatingin sa doctor para mabigyan ng angkop na gamot.
Sakit dahil sa malalim na penetration - Makakaramdam ng sakit kapag malalim ang penetration dahil maaaÂring sensetibo o malambot ang mga bahaging nasa malalim tulad ovaries, uterus, bladder at maging ang intestines. Minsan maaari ring maging sanhi ang ovaÂrian cysts, retroverted uterus (nakaposisyon kung saan nababangga ito kapag nagse-sex), opera sa tyan. Puwede ring masama ang posisyon kaya nakakaramdam ng sakit.