‘The Kiss’ (8)
MAY isa pang detalyeng naghahanap ng kasagutan sa isipan ni Sam. Kaydami niyang tanong. “Bakit kailangang halikang muli ng mahiwagang lalaki si Natalie? Bakit after ten years? Alam ba ng lalaki na hindi maaagnas ang bangkay ni Natalie?â€
Wala siyang makapang sagot.
“At kailan ba hahalikan si Natalie—kapag ito’y nasa labas na ng hukay, gaya ngayong nasa musoleo na si Natalie? Hihintayin ba muna ng lalaki na mabuhay si Natalie—saka hahalikan?â€
Ayaw isipin ni Sam na mabubuhay pa si Natalie; mahal na mahal niya ang nobya pero nais niyang manatili na itong patay. Nalulula si Sam sa ibubungang gulo sakaling biglang mabuhay ang girlfriend.
“Baka naman ang halik ng dayuhang ‘yon ang bubuhay kay Natalie?†Napabuntunghininga si Sam. Ayaw niyang mapaugnay sa kampon ng kadiliman ang pinakamamahal na nobya.
“Mabuti pang maging santa kang kakampi ng Diyos, kaysa maging kasangkapan ng masasamang ispiritu,†taimtim na usal ni Sam.
Lampas na ang hatinggabi. Naghikab si Sam.
Muli niyang hinagkan ang larawan ni Natalie, saka nakatulog.
SA MUSOLEO, kasama ng mga nagrorondang security guards ng private cemetery si Mang Tor na sepulturero.
“Tuloy tayo sa dulo, mga bossing. Sa musoleo ng dalagang hindi naaagnas. Nangako ako kay Sir Sam na babantay-bantayan ‘yon…â€
Hindi naman nagdalawang salita si Mang Tor, magpaunlak ang mga sekyu na bisitahin ang himlayan ni Natalie.
Sindido ang ilaw sa labas ng musoleo. Saradung-sarado ang main door, pati na ang malalaking kandado.
“Daig pa pala nito ang Fort Knox, Mang Tor,†napapangising komento ng isang sekyu. Ang Fort Knox ang taguan ng mga barang ginto ng Amerika; grabe ang sekyuridad nito.
“Tinitiyak lang ng pamilya ni Miss Natalie, pati na ng boyfriend niyang si Sir Sam, na ligtas sa masasamang tao ang bangkay.â€
“Mang Tor, sa dami ng kandado—walang magtatangkang pumasok.â€
MERONG nagtangka. Ang misteryosong dayuhan. At kaydali nitong nabuksan ang mga kandado. Klak. Klik. (ITUTULOY)
- Latest