Ang epekto ng radiation sa ating katawan ay may iba’t ibang paraan, pero ang masamang bunga sa ating kalusugan ng exposure sa radiation ay hindi makikita sa loob ng maraming taon.
Ang masamang epekto ay maihahanay mula mahina, katulad ng pamumula ng balat, hanggang malubhang epekto katulad ng cancer at kamatayan. Ang mga masamang epekto sa kalusugan na ito ay depende sa dami, klase, daanan at haba ng oras ng exposure sa radiation ng isang tao.
Ang Acute Radiation syndrome (ARS) o mga sakit mula sa radiation ay karaniwang sanhi ng mataas na nakuhang radiation ng katawan sa loob ng maiksing oras. Ang mga nakaligtas sa pagpapasabog ng atomic bomb sa Hiroshima at Nagasaki at mga bumbero na rumesponde sa Chernobyl nuclear power plant na nangyari noong 1986 ay nakaranas ng ARS. (Itutuloy)