Dengue Hemorrhagic Fever (3)

MGA DAPAT GAWIN

C. Umpisahan ang oral rehydration, uminom ng maraming tubig, sa simula pa lamang ng lagnat.

D. Panatilihing malinis ang mga alulod, lalo ngayong tag-ulan, upang hindi maipunan ng tubig.

E. Huwag mag-imbak ng anumang bagay na maaaring pag-ipunan ng tubig at pamugaran ng mga lamok sa loob at labas ng bahay tulad ng mga lata, bote at gulong ng sasakyan. Panatilihing tuyo ang kapaligiran.

F. Palitan ang tubig sa plorera sa loob ng isang linggo. Takpan ang mga water containers upang maiwasan ang pagpasok at pangingitlog dito ng lamok.

G. Ipunin at itapon ang mga hindi na ginagamit na lata, bote, jars, at iba pang maaaring maipunan ng tubig.

 H. Ang mga lumang gulong na ginagamit na suporta sa bubungan ay dapat na binubutasan o hinahati upang hindi maipunan ng tubig. Ang mga lumang gulong, kung hindi maitatapon, ay pagpatung-patungin at takpan ang tuktok, o ilagay sa lugar na hindi nauulanan.

I. Gumamit ng kulambo kapag matutulog sa araw, o di kaya ay lagyan ng screen ang mga bintana o pinto ng bahay.

J. Ingatang huwag makagat ng lamok ang taong may sakit ng Dengue H-Fever upang hindi maikalat o maipasa ang virus sa lamok na kakagat uli ng mga taong walang sakit.

K. Higit sa lahat, ipagbigay-alam sa pinakamalapit na health center kung may pinaghihinalaang kaso ng Dengue H-Fever sa komunidad.
 

 

Show comments