Maraming mga kababaihan ang pinagtatakhan ng marami bakit tila bagyo ang kanilang dating sa mga taong nakapaligid sa kanila. Napakaraming salitang mailalaÂrawan sa mga ganitong uri ng babae at isa na dito ang pagiging “Glamorousâ€. Isa sa mga babaeng kinilala at tinaguriang pabulosa ay si Kimora Lee Simmons. Siya ay isang modelo kung saan hindi naman siya kagandahan at hindi normal ang kanyang taas bilang babae ay sumikat sa Paris at Milan sa edad na 16. Isa sa mga dahilan bakit naÂging pabulosa si Simmons ay dahil sa kanyang magandang ugali at pananaw sa buhay. Narito ang ilang paraan na makakatulong sa’yo upang maging “fabulous womanâ€.
Glamorosang itsura – Magkakaroon ka ng isang “glamorous look†kung mananamit ka ng damit na bagay sa’yo at hindi nagpupumilit o trying hard ang dating. Maaari kang kumuha ng ideya sa mga magazines gaya ng vogue, cosmopolitan at iba pa. Hindi mo rin kailangan na gumastos ng malaki para magkaroon ng ganitong itsura, pwede naman na gayahin mo lang ng konti ang disenyo ng isang damit o palamuti at ipagawa ito sa iyong modista sa halagang kaya lang ng iyong budget.
Glamorosang ugali – Para magkaroon ng magandang aura, dapat ay mayroon ka rin magandang pananaw sa buhay. Ang negatibong pananaw sa buhay ay nakaka-turn-off sa ibang tao, gaya ng kasabihan na “Smile and the world smiles at youâ€. Ngumiti ka lang lagi at ito na ang simula ng pagkakaroon ng positibong pag-uugali.
Glamorosang talento – Lahat ng tao ay mayroong kakaibang talento o magagawa. Dapat mong hanapin kung anong talento mo at saka ito ibahagi sa iba. Minsan, ang talento ng isang tao ang nagiging paraan para magkaroon ng tagumpay sa kanyang buhay.