KINAKABAHAN sina Richard at Wendy sa laman ng itim na higanteng kahon. Bumagsak ito mula sa himpapawid, ewan pa nila kung ano ang nasa loob.
“Richard…b-baka bomba…b-baka pagbukas natin, biglang sasambulat—sasabog tayo at ang munting islang ito…â€
“Wala namang timer akong naririnig, Wendy.†Nakadikit sa kahon ang tenga ng binata, nakikiramdam.
Mga sampung minuto ring kinalaban ng dalawa ang takot. Basta bubuksan na nila ito. Bahala na.
Pabiglang hiniklat nila ang pinakatakip ng kahon. FLAP.
Tumambad ang laman nito.
“R-Rubber boat na may hangin na? Ready to use?â€
“Pero bakit walang sagwan? Dapat ay may sagwan, di ba, Richard?â€
Wala ngang sagwan. Kung ito ay ibinagsak mula sa himpapawid para gamitin nila sa napakalawak na dagat, dapat na may kasamang sagwan.
Nalimutan bang samahan ng sagwan ng sinumang nagbigay ang rubber boat? O talagang sinadya…?
Napatingala ang dalawa sa bughaw na langit. Binibiro ba sila ng Black Angel?
“R-Richard, b-baka naman si Lord na ang nais tumulong sa atin…â€
Napapabuntunghiningang sinuri nila ang rubber boat. Ang nakalagay sa etiketa, ito ay Made in China. Obvious na hindi ito Made in Heaven.
May malaking aninong nagdaan sa kanila—mula sa himpapawid.
“Hayun! Siya nga siguro ang naghulog nito!â€
Palayo na ang Black Angel, mataas ang kinaÂroroonan, payapang lumilipad. Hindi man lang tumingin sa kanila.
“Hoy, ano ba ang drama mo?†sigaw ni Richard sa Black Angel. “Huwag ka namang pa-mystery effect diyan! Ipaliwanag mooo!â€
“Naghulog ka rin lang ng rubber boat, kulang-kulang pa! Bakit walang kasamang sagwan?†dagdag-sigaw ni Wendy.
Hindi sila pinansin ng Black Angel. Nagpatuloy ito sa paglipad, palayo. Hanggang sa mawala na sa paningin.
Tinanaw nina Richard at Wendy ang wala na yatang katapusang dagat. “Kaya ba nating sagupain ang malalaking alon, ang posibleng bagyo sa laot, bukod sa uhaw at gutom, Richard?†(SUBAYBAYAN)