Magdesisyon ng sarili
Dear Vanezza,
Three months na kami ng bf ko at pareho kaÂming nasa edad na. Nagpasya kaming magpakasal na. Sabi ng mga magulang ko, bakit napakabilis naman. Kilala ko na raw ba nang lubusan ang bf ko? Naipakilala na ako ng bf ko sa kanyang mga magulang. Matanda na ang mga parents niya at mababait. May kaya rin sila sa buhay. Ang payo ng magulang ko ay patagalin pa ang aming engagement para makilala ng lubusan ang isa’t isa. Pero nagmamadali ang bf ko at naiinis siya kapag sinasabi ko ang kagustuhan ng mga magulang ko. Ano ang dapat kong gawin?
Sagot:
Nasa tamang edad na kayo para magdesisyon sa inyong sarili. At kung inaakala mong kilalang-kilala mo na ang nobyo mo, ituloy ninyo ang inyong balak. Ang papel ng mga magulang ay magpayo sa mga anak at hindi manghimasok sa kanilang mga plano basta’t ang mga anak ay nasa tamang edad na. Bilang magulang ay hangad lang nila ang kabutihan para sa kanilang mga anak.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest